Tatsulok
AYOKO SA MAYAYAMAN.
Gusto mo malaman kung bakit? Ituloy ang pagbabasa.
Ngayong araw ng Sabado, inimbitahan kami ng tita ko sumama sa kanya na mag-shopping sa SM Las Piñas saka Alabang Town Center. Pumayag naman kami ng tatay ko na sumama, wala naman kaming plano para sa araw na to eh. Sinuot ko yung mga damit na binigay sa akin nung tita ko. Kung iisipin, halos lahat ata ng gamit ko galing sa kanya eh, mga "second-hand". Mga damit, sapatos, bag, alahas at yung Hello Kitty na stuff toy. Lahat nang yun galing sa kanya. Nagpapasalamat naman ako at meron akong mayaman na tita. (magkakaroon ba ako ng original na designer clothing kung wala siya? nako thank you Lord.) Pero dahil doon, hindi na ako marunong mag-shopping o mamili ng para sa akin, naka-asa na lang ako na kumuha sa kanya ng mga second-hand, kahit hindi ko gusto yung design ng damit, basta ibinigay edi happy. Pero hindi ito ang pag-uusapan ko sa post na ito.
Matagal na ako hindi nakakapunta ng mall maliban dun sa SM Sta. Rosa na 10 minutes lang ang biyahe mula sa amin. Ang mga taong andun, mga ka-uri ko. Mga maralita lamang. Nandun sa mall para tumambay at siyempre, magpalamig. Wala pa ata sa 60% ang namimili dun ng mga gamit, yung iba lilibot lang tapos kakain sa Jollibee (o kahit anong mura na fast food), tapos tapos na. Nasanay na ako sa ganung eksena. Ngunit ngayon na nakapunta na uli ako sa Alabang iba ang atmospera. Noon nung may kaya pa kami, lagi kami napunta sa mall na malalayo katulad ng ATC, pero hindi na kami nakakapunta dun para magsaya ngayon. Minsan na lang kapag na-imbitahan ng tita. Mag-iisang taon na ata nung nakapunta ako dito.
Nanood kami ng sine sa ATC pero bago noon kumain muna kami sa isang restorant (na mamahalin). Ang sarap ng pizza! Ngayon lang uli ako nakakain ng pizza na masmalaki pa sa ulo ko! HAHA. Habang kumakain pinagmamasdan ko ang paligid ko. Aking nakita ang isang lalaki na may dalang camera (at hindi lang camera, DLSR pa.) Pipicturan niya kaming kumakain ng hindi namin alam, "stolen" kumbaga. Alam ko kasi napatingin ako sa camera niya na matagal ko nang inaasam. Photographer ata ito sabi ko sa sarili ko. Isang nilalang na kumukuha ng magandang litratong "candid" para sa gallery niya sa deviantART. NYAHAHA. Narinig ko sa likuran namin ang ibang kumakain. Isang pamilya na may tatay, nanay at isang anak na batang lalaki. "Mommy is that with the parmesan cheese? Oh I want that!" HUWAW. Spokening dollars ang maliit na bata. Fluent na fluent, parang talo pa ako nito sa declamation contest. Sa kabilang mesa naman may magbabarkada na mga babae. Ayos ng porma nila. Nakaka-inggit. Ang cute ng suot tapos yung latest na labas ng Havaianas. Mukha akong katulong kapag pinagtabi kami. AYUS. Sa malapit sa counter, may dalawang lovers na kulang na lang mag-motel sila. Sabi nung lalaki "No babe, I'll pay for it. You have a lot of shopping to do pa." WEEE. Ang saya ng may mayaman na jowa. HAHA.
Na-iinis ako dito: "Maam, purchase over P5000, and you will avail our dicount card, giving you up to 5% discount" (lang?!)
Biglang may umugong sa utak ko. Biglaan. Naramdaman ko ang galit. Galit sa mga taong nakikita ko. Nagpapakasaya, gumagastos ng sobra, nananamit ng damit na pangkain na ng isang mag-anak para sa isang buwan, kumakain pero maraming tira, hindi marunong magsalita ng sariling wika, bumibili ng gamit na hindi naman kailangan, nakakabili ng gamit na hindi pinaghirapan at marami pang iba. Tumatak sa isip ko: UNFAIR. Ang mga mayayaman, hindi na kailangan maghirap para makuha nila ang gusto nila. Pag may gusto, bibilhin. Aasa sa katulong sa gawaing bahay. Huhugot na lang ng pera sa magulang para bumili ng pagkamahal-mahal na tsinelas...? Papasok sa isa sa mga top universities kahit hindi nagseseryoso at hindi nag-aaral. Papasok sa kompanya ng magulang para maging sucessor at paulit-ulit lang to na cycle. Pwede maka-lusot sa kaso sa korte dahil binayaran. Ang gusto ko sabihin: hindi sila "deserving." HINDI ITO TAMA. Marami akong ka-kilala na mga tao na naghihirap para sa mga pamilya nila. Kahit anong trabaho, kukunin para lang may makain. Mga over-seas worker na kailangang lumayo muna sa pamilya para kumita ng malaki. Yung mga anak, tumigil sa pag-aaral para mag-trabaho. Nakatira sa isang bahay na hindi naman kanila, inuupahan lang. Kung kumain ay konti lang at itinatabi para sa hapunan o kinabukasan pa. Mga matatalino na hindi makapasok sa magandang unibersidad dahil walang pera para sa nagmamahal na matrikula. Mga scholar na halos mamatay na sa kaka-aral para mataas ang grade at ipagpatuloy pa nila ang pagiging scholar. Mga batang masaya na kapag binigyan mo ng tig-P30 na tsinelas. Mga kaibigan na masaya na sa P20 na keychain na binigay mo nung nakaraang Pasko. (na gamit pa rin nila ngayon)
SILA, mga dakilang "survivor", ay ang mga taong karapatdapat bigyan ng mga "rewards." Nakakalungkot isipin na ganito talaga ang buhay. Minsan nakukuha ng iba ang dapat para sa mas nangangailangan. Ayoko sa mga mayayaman. In spokening dollars: They make everybody else's effort look useless. G